Pangasinan 100% Drug Cleared bago mag 2018

Tiwala si Governor Amado “Pogi” Espino na sa pagtatapos ng taon 100 porsyento ng Drug cleared ang probinsiya ng Pangasinan. Isa si Governor Espino sa mga panauhin sa Ceremonial Send off ng mga Vietnamese Fishermen na naganap sa Sual Pangasinan, Nobyembre 29, 2017.

Ayon kay Governor Espino sa latest na report ng PNP Pangasinan nasa 99% Drug cleared na ang mga apektadong barangay sa Pangasinan. Positibo ang gobernador na bago matapos ang taon maidedeklara ng Drug cleared ang buong Probinsiya. Pinasalamatan at pinuro rin nito ang Presidente sa pangunguna nito sa laban kontra droga.

Image credited to pangasinan.gov.ph


Facebook Comments