PANGASINAN, NAKAPAGTALA NG PINAKAMABABANG BASIC AT FUNCTIONAL LITERACY RATE SA REGION 1; ILANG MAGULANG, NANINDIGANG TUTURUAN ANG MGA ANAK SA TAHANAN

Kinakailangan pa rin umano na matutukan ng magulang ang mga anak para malinang ang kanilang basic at functional literacy kahit pa natuturuan ang mga ito sa loob ng mga paaralan.
Ang ilang Pangasinense, ikinalungkot ang naging resulta ng 2024 Functional Literacy, Education, and Mass Media Survey (FLEMMS) na isinagawa ng Philippine Statistics Authority (PSA) matapos na makapagtala ang Pangasinan ng pinakamababang antas ng basic at functional literacy sa buong rehiyon uno.
Base sa resulta, nasa 88.7 percent ang nakuha ng Pangasinan sa buong rehiyon na may pinakamababang basic literacy rate o kakayahan ng isangng bata na makapagbasa at nakapagsulat ng simpleng mensahe, habang 62.3 percent naman ang functional rate ng lalawigan o ang kakayahang makaunawa ng impormasyon.
Dahil dito, anila, dapat na mahasa pa ang mga bata sa kanilang mga aralin sa paaralan sa pamamagitan ng patuloy na pagtatanong at pagtuturo ng mga magulang sa loob ng tahanan.
Hindi rin umano dapat na hayaan lamang na sa loob ng paaralan ay tapos na ang pagkatuto ng bata, mainam din umano na hasain pa ng nga magulang ang kanilang natutunan upang mas maunawaan.
Sa kabila nito, nasa 89.5 percent ang basic literacy rate at 64.3 percent ang functional rate ng Region 1 na nangangahulugang ng makabuluhang pagkatuto ng mga kabataan sa rehiyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments