PANGASINAN, NAKIISA SA PAGDAOS NG IKA-127 TAONG ANIBERSARYO NG ARAW NG KALAYAAN

Nakiisa ang buong lalawigan ng Pangasinan sa pagdaraos ng ika-isang daan at dalawampu’t-pitong (127th) taong anibersaryo ng Araw ng Kalayaan.
Nagsagawa ng seremonya ang Pamahalaang Panlalawigan at mga lokal na gobyerno na gumunita at muling kumilala sa katapangan at sakripisyo ng mga bayani upang makamit ang inasam na kasarinlan ng para sa bansa.

Alinsunod sa tema ngayong taon, “Kalayaan. Kinabukasan. Kasaysayan.”, binigyang-diin ang pagyakap sa naging kasaysayan ng bansa at patuloy na pag-aalala sa ngayong natatamasa ng kalayaan ay dahil sa nakaraan.

Pinanindigan ng mga gobyerno ng lalawigan ang pagtutok sa kinabukasan, at patuloy na pakikipaglaban sa totoong hamong ng buhay – kahirapan, kagutuman, edukasyon, kalusugan, trabaho at marami pang iba.

Samantala, taong 1898 nang iproklama ni Emilio Aguinaldo ang kasarinlan ng Pilipinas mula sa mahigit tatlong siglong pananakop ng mga dayuhan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments