PANGASINAN PDRRMC, PUSPUSAN ANG PAGHAHANDA PARA SA SEMANA SANTA

Puspusan ang paghahanda ng Pangasinan Provincial Disaster Risk Reduction Management Council para sa darating na Semana Santa sa susunod na linggo.

Kasunod nito, naganap ang 1st Quarter PDRRM Council meeting kasama ang iba’t-ibang katuwang na ahensya upang antabayanan ang kalagayan ng lalawigan sa panahong ito.

Nilahukan ang naturang pulong ng mga kawani ng Response Cluster tulad ng PGO, PNP, BFP, PCG, PHO, PSWDO, PEO, DILG Pangasinan, GSO, 71st Infantry Battalion at iba pa.

Tinalakay ang gampanin ng mga inatasang mga opisyal upang matiyak ang kaligtasan at kapayapaan ng mga Pangasinense sa pagdaraos ng Mahal na Araw.

Samantala, saklaw din nito ang paghahanda ngayong summer vacation. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments