PANGASINAN POLICE OFFICE, TINIYAK ANG KAHANDAAN SA PAG-ASISTE SA COMELEC SA NALALAPIT NA CANDIDACY FILING

Tiniyak ng pwersa ng Pangasinan Police Provincial Office na handa sila sa mas pinaigting na pagbabantay sa nalalapit na paghahain ng kandidatura para sa local at national elections sa susunod na taon.

Sinabi ni Police Major Arturo Melchor Jr., taga pagsalita ng Pang PPO na ang kanilang hanay ay handang magbigay ng seguridad sa mga tanggapan ng COMELEC, opisyal ng COMELEC at maging sa mga personalidad na maghahain ng kanilang Certificates of Candidacy.

Sa ngayon aniya ay wala pang kautusan mula sa Regional Office para sa augmentation ng mga uniformed personnel sa mga ibat ibang lugar partikular sa COMELEC Offices.


Samantala, bilang pagsunod sa umiiral na health protocols, ipatutupad umano sa lahat ng tanggapan ang limitadong bilang ng indibidwal.

Babantayan din umano nila ang mga tagasuportang nais magsagawa ng pagtitipon bilang ito ay ipinagbabawal ng National IATF.

Facebook Comments