PANGASINAN, WALANG ACTIVE CASES NG AFRICAN SWINE FEVER

Kinumpirma ng Pangasinan Provincial Veterinary Office na wala pang naitatala o naire-report ng active cases ng African Swine Fever (ASF) sa mga alagang baboy sa lalawigan sa ngayon.

Ayon kay Dr. Arcely Robeniol OIC ng Provincial Veterinary Office, hindi pa naman masasabing ASF free na ang probinsya ngunit may tinatawag silang zone in progression.

Marami na umanong mga lugar o bayan sa lalawigan ang nasa ilalim ng pink at yellow zone na walang kumpirmado o walang active cases ng ASF ngunit patuloy pa rin na binabantayan.

Sa ngayon, mayroong labing apat na Animal Quarantine Checkpoints sa lalawigan na 24/7 kung saan nagbabantay at nag momonitor sa mga nilalabas pasok na alagang hayop at iba pang produkto mula sa ibang lugar.

Tinitiyak naman ng Provincial Veterinary Office na ang lahat ng pumapasok na livestock sa lalawigan ay ligtas para sa mga consumer. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments