PANGASINENSE, NAGSAULI NG NAPULOT NA WALLET NA NAGLALAMAN NG HALOS ₱18,000 SA NAIA

Isang magandang halimbawa ng katapatan at integridad ang ipinakita ng Isang security screening officer sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) nang ibalik ang wallet ng Isang banyagang pasahero na naglalaman ng halos ₱18,000.

Kinilala ang matapat ng security officer na si Bernard Luna, residente mula San Nicolas, Pangasinan at apat na taong nagtatrabaho sa Office Transportation Security.

Habang nagsasagawa ng kanyang tungkulin si SSO Luna sa security screening checkpoint, natagpuan niya ang wallet na naiwan sa blue tray ng airport.

Agad niyang ipinaalam ito sa kanyang mga kasamahan at inanunsyo gamit paging system ng mga airlines.

Makalipas ang ilang sandali, dumating ang isang pasaherong Danish at matagumpay na na-isauli sa kanya ang nawawala niyang wallet na lubos nitong ipinagpapasalamat.

Ipinagmamalaki ngayon si Bernard ng kanyang bayan at mga kasamahan sa trabaho sa pagpapakita ng pagiging tapat at responsable sa kanyang tungkulin. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments