PANGASINENSE, NANGUNA SA APRIL 2021 PHARMACY LICENSURE EXAM; EKSLUSIBONG IBINAHAGI ANG KANYANG KARANASAN SA IFM

39

DAGUPAN CITY, PANGASINAN – TAGUMPAY ang Pangasinense at tubong-Dagupan na si Angelo Zarate na masungkit ang top spot sa APRIL 2021 Licensure Examination for Pharmacists.

Sa exclusive interview ng iFM Dagupan sa Dagupeño pride, ibinahagi nito na speechless at tila nananaginip pa rin s’ya dahil hiling lamang umano n’ya ay makapasa subalit nalagpasan pa ang kanyang expectations.

Sinabi rin nito na challenging ang preparasyon at aktwal na exam gayong nasa kasagsagan pa rin tayo ng pandemya. Nang matanong kung ano ang plano n’ya matapos ang achievement, ibinahagi nito na may posibilidad umano s’yang magpatakbo ng sariling parmasya.


Si Angelo na isang Lyceum-Northwestern University graduate ay nagtamo ng 90.70% rating. Siya ay isa sa 674 out of 1,168 examinees na pumasa sa nasabing licensure exam.

Facebook Comments