PANGASINENSE SA ISRAEL, LUBOS ANG PAGKABAHALA SA TUMITINDING TENSYON SA PAGITAN NG ISRAEL AT IRAN

Lubos ang nararamdamang takot ni Marites Garcia, isangng Overseas Filipino Worker (OFW) mula sa Pangasinan, sa gitna ng patuloy na tensyon sa pagitan ng Israel at Iran.

Nananatili siya sa Central Kfar, ilang kilometro ang layo mula sa Tel Aviv, kung saan kitang-kita at dinig ang mga missile na lumilipad sa himpapawid. Ang ganitong mga insidente ay patunay ng tumitinding sigalot sa pagitan ng dalawang bansa.

Bagama’t may mga ipinapatupad na safety protocols gaya ng mga alert message mula sa mga awtoridad bago tumama ang mga missile, hindi pa rin nawawala ang kaba at pangamba ng mga Pilipinong naroroon, lalo na sa tuwing may malalakas na pagsabog sa himpapawid.

Patuloy man ang kaguluhan, sinisikap pa ring ipabatid ni Marites sa kanyang pamilya sa Pilipinas na sila ay nasa maayos na kalagayan at ligtas mula sa anumang panganib.

Sa kasalukuyan, nananatiling mataas ang tensyon sa pagitan ng Israel at Iran. Kasama ng iba pang OFW, taimtim ang kanyang pagdarasal para sa agarang pagbalik ng kapayapaan sa rehiyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments