Pangatlo sa person of interest sa Bulacan masaker, natagpuang patay

Manila, Philippines – Kinumpirma ng isang kamag-anak ng person of interest na si Anthony Garcia alyas Tony na patay na ito.

Kahapon ng madaling araw dinukot si Garcia sa bahay ng lolo nya sa San Miguel Bulacan.

Kanina lamang ng may itinatawag sa pamilya ni Garcia na natagpuang itong patay sa bulubunduking lugar sa Pacalag, San Miguel Bulacan.


Nang pinuntahan sa lugar, kinumpirma ng isa sa kamag-anak na si Tony nga ang bangkay.

Kinumpirma naman ni Supt. Fitz Macariola ng SJDM na dinukot si Garcia kahapon.

Si Tony ay pangatlong person of interest na napapatay.

Isa sa mga itinuro ng suspek na si Carmelino “Miling” Ibañez.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments