PANGGAMOT RAW | Canadian national, arestado matapos makuhanan ng marijuana sa underwear

88

Manila, Philippines – Arestado ang isang Canadian National matapos makuhanan ng Marijuana sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kanina.
Lilipad sana patungongAustralia o Amerika si Gary Gentles nang ma-detect sa kanyang underwear ang pinatuyong marijuana na nakalagay pa sa garapon.
Depensa ng dayuhan, ginagamit niyang gamot ang Marijuana sa Attention Deficit Hyperactivity Disorder (ADHD) pero bigo namang makapagpakita ng prescription mula sa doktor.
Nai-turn over na sa NAIA inter-agency drug interdiction task group ang suspek kung saan siya sasampahan ng kasong may kaugnayan sa iligal na droga.

Facebook Comments