Pangulong Bongbong Marcos at Vice President Sara Duterte, dumalo sa banal na misa sa isang simbahan sa Malacañang Compound

45
Photo Courtesy of Fr. Mico Dellera via Radio Veritas

Dumalo sa isang banal na misa ngayong umaga si Pangulong Ferdinand “Bongbong Marcos Jr. sa National Shrine of St. Michael the Archangels sa Malacañang Compound.

Ito ay batay sa larawang ipinost ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) (CBCP) news sa kanilang Facebook account.

Makikita sa mga larawan na kasama ni Pangulong Marcos na dumalo sa banal na misa si Vice President Sara Duterte.


Suot ni Pangulong Marcos ay isang working barong, o barong na short sleeves habang si Vice President Duterte ay dirty white na blouse na may Chinese collar at slacks na brown.

Pinangunahan ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula kasama si Cotabato Archbishop Emeritus Orlando Cardinal Quevedo.

Facebook Comments