Pangulong Bongbong Marcos, panauhing pandangal mamaya sa anibersaryo ng Philippine Air Force

Sasabak mamaya sa isang out of town presidential activity si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Siya ay tutungo sa Mabalacat City, Clark Air Base mamayang hapon para dumalo sa ika- 75 anibersaryo ng Hukbong Panghimpapawid.

Ito ang isa sa mga kauna-unahang presidential activity ni Pangulong Marcos kasunod ng ilang mga nauna nang aktibidad kahapon.


Isa sa mga pangunahing aktibidad kahapon ng bagong pangulo ay ang ginawa nitong pangunguna sa naging panunumpa ng kanyang mga miyembro ng gabinete.

Asahan naman na sa susunod pang mga araw ay mas magiging madalas pa ang public appearance ni PBBM at public engagement nito bilang pangulo ng bansa.

Facebook Comments