Pangulong Bongbong Marcos, pinag-aaralan pa ang kwalipikasyon ng mga nasa listahan para sa nabakanteng Executive Secretary position

250

May mga pangalan ng ikinukonsidera si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na maaaring pumalit sa dating pwesto ni Atty. Victor “Vic” Rodriguez bilang Executive Secretary.

Gayunpaman, sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na patuloy na pag-aaralan ng pangulo ang kwalipikasyon ng mga ito.

Kinumpirma pa ni Cruz-Angeles na sa ngayon ay wala pang napipili na bagong Executive Secretary si Pangulong Bongbong Marcos.


Hindi naman binanggit ng kalihim kung ilang pangalan ang pinagpipilian ng pangulo para sa susunod na Executive Secretary.

Nabatid na nagbitiw bilang Executive Secretary si Atty. Rodriguez sa gitna ng kontrobersiya sa planong pag-a-angkat ng pamahalaan ng 300,000 metric tons ng asukal.

Pero, itinalaga ng pangulo si Atty. Rodriguez bilang Presidential Chief of Staff.



Facebook Comments