Pangulong Duterte, aalamin ngayon ang lahat ng issue na pag-uusapan sa ASEAN Leaders Summit

Manila, Philippines – Sasailalim ngayon sa final briefing si Pangulong Rodrigo Duterte para sa ASEAN summit 2017 na gaganapin dito sa bansa na dadaluhan ng ASEAN leaders.

Ayon kay National Organizing Council Director General Ambassador Marciano Paynor, noong nakaraang linggo ay nagsimula na sila sa pagbi-brief kay Pangulong Duterte ng mga issue na tinatalakay sa ASEAN related meetings kung saan inabot aniya sila ng madaling araw.

Sinabi ni Paynor na mabilis na nakukuha ng Pangulo ang mga issue na posibleng mapag-usapan sa pulong kasama ang mga state leaders.


Samantala, sinabi ni Paynor na bahala si Pangulong Duterte sa kanyang istilo sa pag-uusapan at sa pananamit, sinabi din naman nito na sa mga nakaraang pagharap ng Pangulo sa ibat-ibang world leaders ay nakasunod naman ang Pangulo sa mga kinakailangang isuot na damit.
DZXL558

Facebook Comments