Pangulong Duterte, asahang dadalo sa iba pang public events – Nograles

46

Mahigpit na seguridad ang ipapatupad ng Presidential Security Group (PSG) para protektahan si Pangulong Rodrigo Duterte na inaasahang dadalo sa mga iba pang public events sa harap ng banta ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, limitado lamang ang mga taong pwedeng lumapit sa Pangulo.


Hindi pa aniya posible na makipag-selfie sa Pangulo dahil mahigpit ang security measures ng PSG.

Bukod dito, masusi ring tinitingnan ang mga panauhin kung mayroon silang anumang sintomas at isinasailalim sila sa COVID-19 test.

Mahigpit din aniyang ipinapatupad ang health protocols gaya ng social distancing.

Nabatid na dumalo sa limang public events si Pangulong Duterte nitong nakaraang linggo kasabay ng paglulunsad ng vaccine rollout sa bansa.



Facebook Comments