Pangulong Duterte at IATF, magpupulong sa Davao City bukas

149

Magpupulong si Pangulong Rodrigo Duterte at ang Inter-Agency Task Force (IATF) sa Davao City, bukas.


Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, hindi pa magbibigay ng anunsyo hinggil sa susunod na quarantine classification ang pangulo.

Sa Miyerkules pa lang kasi nakatakdang magprisinta sa IATF ang technical working group.

Gayunman, posible aniya itong magbigay ng special announcement sa pagharap niya bukas sa publiko.

Facebook Comments