Pangulong Duterte at iba pang opisyal, nagparehistro na sa National ID

222

Nagparehistro na sina Pangulong Rodrigo Duterte at dalawa pang opisyal sa Philippine Identification System sa Malacañang kagabi.

Ang proseso ay pinangasiwaan ng Philippine Statistics Authority (PSA).


Sa mga larawang ibinahagi ng Palasyo, makikitang kinukuhanan ng biometric information sina Pangulong Duterte, Senator Christopher Go at Executive Secretary Salvador Medialdea.

Nagbigay pa ng “thumbs up” ang Pangulo kasabay ng pagkuha sa kanya ng litrato para sa kanyang ID.

Matatandaang nilagdaan ni Pangulong Duterte ang National Identification System noong August 2018 na layong pag-isahin at mapabilis ang government transactions sa pamamagitan ng pagkakaroon ng iisang ID.

Facebook Comments