Pangulong Duterte at mga Senador, magpupulong para pag-usapan ang extension ng martial law sa Mindanao

39

Manila, Philippines – Mamayang gabi na ang pulong ni Pangulong Rodrigo Duterte at mga Senador para pag-usapan ang pagpapalawig ng martial law sa Mindanao.

Ayon kay Senate President Koko Pimentel, inaasahang magbibigay ng update ang pangulo sa operasyon sa Marawi City laban sa Maute group.

Aniya, tiyak niyang hihingi ang pangulo ng extension ng batas militar na nakatakdang matapos sa July 23.

Kailangan aniya nilang malaman kung gaano ito katagal.

Tiniyak rin ni Pimentel na suportado ng mayorya ng mga Senador ang extension ng batas militar sa Mindanao.

Facebook Comments