Pangulong Duterte at VP Leni, bukas sa paggawa ng joint infomercial ukol sa COVID-19 vaccine

Bukas si Pangulong Rodrigo Duterte sa mungkahi na gumawa siya, kasama si Vice President Leni Robredo ng isang infomercial patungkol sa pagbabakuna kontra COVID-19.

Ayon kay Senador Christopher “Bong” Go, si Pangulong Duterte mismo ang nagsabi na handa itong gawin kung ano ang makakatulong sa bayan at mga problema nito.

Naniniwala naman si Senador Francis “Kiko” Pangilinan na bukas din si VP Leni sa nabanggit na suhestiyon kung makakabuti para mapalakas ang tiwala ng mamamayan sa pagpapabakuna.


Pahayag ito nina Go at Pangilinan kasunod ng mungkahi ni Senador Joel Villanueva na maglabas sina Pangulong Duterte at VP Leni ng joint public service announcement na epektibong kukumbinsi sa mga Pilipino na ligtas ang COVID-19 vaccine.

Facebook Comments