Pangulong Duterte, batid na vulnerable siya sa COVID-19

37

Alam ni Pangulong Rodrigo Duterte na madali siyang kapitan ng COVID-19 dahil sa kanyang edad.

Sa kanyang lingguhang public address, sinabi ni Pangulong Duterte na hindi niya maiwasang ibaba ang kanyang suot na face mask habang nagsasalita.


Batid din niya na marami ang pumupuna sa kanya dahil sa hindi pagsunod sa health protocols gaya ng pagsuot ng face mask.

Aniya, hahalili naman si Vice President Leni Robredo sakaling may mangyari sa kanya.

Ang pahayag ng Pangulo ay kasabay ng pagpapaalala niya sa publiko na sundin ang minimum health standards para maiwasan ang hindi inaasahang malaking gastos sa pagpapagamot.

Facebook Comments