Pangulong Duterte, binati ang anak na si Mayor Sara sa kanyang kaarawan

504

Nagpaabot si Pangulong Rodrigo Duterte ng pagbati para sa 42nd Birthday ng kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na ipinagdiwang kahapon.

Sa kanyang mensahe, muling inalala ni Pangulong Duterte ang panahong karga-karga pa lamang niya si Mayor Sara noong baby pa lamang ito.


Sinabi rin ni Pangulong Duterte na alam na niya noon pa na magiging alkalde ng Davao City si Inday Sara.

Gayumpaman, pinayuhan ng Pangulo ang kanyang anak na patuloy na magpursige sa kaniyang trabaho.

Si Mayor Duterte ay ang ikalawang anak ng Pangulo sa kanyang dating asawa na si Elizabeth Zimmerman.

Facebook Comments