Pangulong Duterte bukas sa anumang suhestyon hinggil sa umiiral na Martial Law sa Mindanao

46

Iko-konsidera ni Pangulong Rodrigo Duterte ang anomang suhesyon ng mga otoridad kaugnay sa umiiral na batas militar sa Mindanao.

 

Ito ang pahayag ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, makaraang sabihin ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na kung siya ang tatanungin, hindi na niya ire-rekomenda ang pagpapalawig ng Martial Law sa Mindanao dahil masyado na raw itong matagal na umiiral.


 

Ayon kay Secretary Panelo, tulad ng mga una nang binanggit ng Pangulo, pakikinggan nito ang suhesyon ng mga kinauukulan dahil sila ang ‘man on ground’ at sila naman talaga ang nakakaalam ng mismong kalagayan doon.

 

Matatandaan na taong 2017 pa nang unang isailalim sa batas militar ang Mindanao, bunsod ng kaguluhang idinulot noon ng teroristang grupong Maute.

Facebook Comments

From Advertisers