Pangulong Duterte, dapat linawin kung sino talaga ang nais na House Speaker

100

Makabubuting linawin na ni Pangulong Rodrigo Duterte kung sino talaga kina House Speaker Alan Peter Cayetano at Marinduque Representative Lord Allan Velasco ang nais nitong mamuno sa Kamara.

Naniniwala si Senator Panfilo Ping Lacson na ang klarong mensahe mula sa Pangulo ay makakatulong para mapahupa ang agawan ng liderato sa Kamara.

Paliwanag ni Lacson, walang masama kung may pipiliing House Speaker si Pangulong Duterte dahil siya ay isang political leader.

Binanggit pa ni Lacson na maging sa Amerika o sa ibang bansa ay ipinauubaya rin ang pagpili ng Speaker sa ruling party.

Nauna nang iginiit ni Lacson na dahil sa tensyon sa House Speakership ay nadadamay ang pagpasa sa panukalang 2021 national budget na magbubunga ng reenacted budget para sa susunod na taon.

Facebook Comments