Pangulong Duterte, dumating na sa bansa matapos ilang araw ang pagbisita sa Middle East… mahigit 100 OFW na na-repatriate mula sa Saudi Arabia, kasama ng pangulong umuwi

43

Manila, Philippines – Balik bansa si Pangulong Rodrigo Duterte mulasa kanyang ilang araw na pagbisita sa Middle East.
 
Pasado alas-4:00 ng madaling araw nang humarap si PangulongDuterte sa media para magbigay ng kaniyang pahayag kaugnay ng kaniyang nagingpagbisita sa Saudi Arabia, Bahrain at Qatar.
 
Ayon sa pangulo, ang official trips niya sa Middle East angpinaka-produktibong foreign trips na nagawa niya sa ngayon.
 
 
Bukod dito kasama ring umuwi ng pangulo ang mahigit 100 mga OverseasFilipino Workers na na-repatriate mula sa Saudi Arabia.
 
Nangako naman ang pangulo na iuuwi pa niya ang mga pilipinongnangangailangan ng tulong sa ibang bansa.
 
 

Facebook Comments