Pangulong Duterte, dumipensa kasunod ng ulat ng Philippine Center Of Investigative Journalism kaugnay ng isyu ng yaman ng kanyang pamilya

Dinepensahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang pamilya kasunod ng report ng Philippine Center For Investigative Journalism (PCIJ) kaugnay ng umano’y kanilang mga hindi rehistradong law office.

 

Sa report ng PCJI, sinabi na lumobo ang Statements Of Assets, Liabilities And Net Worth (SALN) ng Pangulo at mga anak nitong sina Davao City Mayor Sara Duterte at Paolo Duterte.

 

Giit ng Pangulo, pareho silang abogado ni Mayor Sara at pinaghirapan nila ito kaya natural lang na ipakita nila ang kanilang mga pangalan sa kanilang mga law firm.


 

Wala rin aniyang pakialam ang iba kung mayroong negosyo ang kanilang pamilya.

 

Samantala, binatikos din ng pangulo ang mga “dilaw” sa isyu ng yaman ng kanyang pamilya.

 

Paliwanag ni Duterte, galing sa kanyang ina ang kanyang yaman kaya bakit daw niya ito ilalagay sa kanyang SALN.

Facebook Comments