Pangulong Duterte, handa na sa pagreretiro sa pulitika

35

Matamlay ang tugon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga panawagang tumakbo siya sa pagkapangalawang pangulo sa 2022 national elections.

Ito sa kabila ng panawagan ng kanyang political party na Partido Demokratikong Pilipino –Lakas ng Bayan (PDP-Laban) na sunggaban ang bagong posisyon.


Sa panayam ni Pastor Apollo Quiboloy, sinabi ni Pangulong Duterte na gusto na niyang magretiro mula sa public service.

Aniya, mas gugustuhin na lamang niyang umuwi sa Davao City.

Dagdag pa ni Pangulong Duterte, ang pagsisiwalat ng oligarkiya sa bansa ang isa sa kanyang “greatest achievement” bilang presidente.

Facebook Comments