Pangulong Duterte, handang mag-order ng Pfizer vaccines para sa mga senador

142

Sarkastikong binanatan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga senador na tila pabor sa bakunang gawa ng American pharmaceutical firm na Pfizer.

Sa kanyang Talk to the Nation Address, binanggit ni Pangulong Duterte ang insidente sa Norway kung saan nasa higit 20 senior citizens ang namatay matapos maturukan ng Pfizer vaccine.


Nabanggit din ng Pangulo si Senator Risa Hontiveros na ipina-follow-up sa gobyerno ang emergency use approval ng Pfizer.

Sinabi ng Pangulo na maaaring mag-order ng gobyerno ng Pfizer vaccines para sa mga senador.

Matatandaang kinukwestyon ng ilang mambabatas ang pagbili ng pamahalaan ng Chinese vaccines na sobrang mahal pero mababa naman ang efficacy rate.

Facebook Comments