Pangulong Duterte, handang mag-resign kapag napatunayan ang mga alegasyon ng korapsyon laban sa kanya

Handang magbitiw sa pwesto si Pangulong Rodrigo Duterte kapag napatunayan ang mga akusasyong tumatanggap siya ng suhol o masangkot sa korapsyon.

Sa kanyang ‘Talk to the Nation’ Address, sinabi ng Pangulo na maraming ulat ang nagsasabing tumatanggap umano siya at iba pang miyembro ng gabinete ng lagay o suhol.

Pero hamon niya sa mga nag-aakusa na patunayan ang mga alegasyon at tiyak na bababa siya sa pwesto.


Banta pa ng Pangulo, papatayin niya ang sinumang maling mag-aakusa sa kaniya o sa kanyang Cabinet members.

Muli ring iginiit ng Pangulo na maraming beses na niyang gustong mag-resign dahil sa korapsyon sa gobyerno.

Facebook Comments