Pangulong Duterte, handang mauna sa makakatanggap ng Sinovac Vaccine – Palasyo

69

Handa si Pangulong Rodrigo Duterte na unang mabakunahan gamit ang Chinese COVID-19 vaccine na Sinovac para iangat ang kumpiyansa at tiwala ng publiko sa vaccination program ng pamahalaan.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, handang patunayan ni Pangulong Duterte na ligtas ang anumang bakuna.


Pero binigyang diin ni Roque na prayoridad ng gobyerno na ilayo ang mga tao sa COVID-19 infection kaysa sa ibigay ang mga bakuna sa mga pulitiko.

Iginiit din ni Roque na hindi na kailangan ng pag-aaral kung anong brand ng bakuna ang ibibigay kay Pangulong Duterte dahil ang lahat ng mga ito ay dumaan sa iisang proseso.

Facebook Comments