Pangulong Duterte, hinamon ni Trillanes na ilabas ang ebidensyang nilustay niya ang kanyang PDAF at DAP

74

Manila, Philippines – Go ahead!

Ito ang matapang na sagot ni Senator Antonio Trillanes IV sa banta ni
Pangulong Rodrigo Duterte na ilalantad kung paano niya nalustay ang kanyang
Priority Development Assistant Fund o PDAF at Disbursement Acceleration
Program o DAP.

Sabi ni Trillanes, nakalathala sa kanyang website ang lahat ng proyekto na
pinaglaanan niya ng kanyang PDAF AT DAP.

Diin ni Trillanes, lahat ng nabanggit na proyekto ay dumaan at nakalusot na
sa pag audit ng Commission on Audit o COA.

Kaya hamon ni Trillanes kay Pangulong Duterte, kasabay ng expose laban sa
kanya ay isapubliko din nito ang P2 bilyong pisong bank deposits na ninakaw
umano sa kaban ng bayan.

 

Facebook Comments