Pangulong Duterte, hindi bibisita sa Estados Unidos

56

Walang balak si Pangulong Rodrigo Duterte na bumisita sa Estados Unidos.

Sa kanyang State of the Nation Address (SONA), sinabi ni Pangulong Duterte na halos 22 taon na mula nang huling bumisita siya sa US.


Pero sa ngayon aniya ay wala siyang intensyong bumisita sa nasabing bansa.

Sinisi rin ng pangulo ang media sa pagpapalaki ng istorya ng kanyang pagnanais na magpunta sa US lalo na sa termino ni dating president Donald Trump.

Binanggit din ni Pangulong Duterte ang makasaysayang pagbalik ng Balangiga bells.

“Because that bell was used by the people for prayers, simbahan. America knew that it has a great significance to the Filipinos after the massacre of one barangay. How many at that time, we would never know. But it was said, one barrio. You got it at the expense of the blood of Filipinos,” ayon sa pangulo.



Ang Balangiga ay ibinalik sa Pilipinas noong December 2018, higit 100 taon matapos kunin ito ng mga sundalong Amerikano bilang war trophies noong 1901 Philippine-American War.

Kasalukuyang nasa Balangiga Church sa Eastern Samar ang mga kampana.


Facebook Comments