Pangulong Duterte, hindi magso-sorry kay Pacquiao

114

Hindi hihingi ng patawad si Pangulong Rodrigo Duterte kay Senator Manny Pacquiao dahil lamang sa kanyang mga ibinatong tirada.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang mga komento ni Pangulong Duterte kay Pacquiao ay bahagi ng free speech.


“Wala pong dahilan para mag-apologize. Lahat po ‘yan ay kabahagi ng free market place of ideas,” sabi ni Roque.

Ang pahayag ng Palasyo ay tugon sa sinabi ni dating Bacolod Representative Monico Puentevella na dapat mag-apology ang pangulo kay Pacquiao.

Si Puentevella ay kaibigan ni Pacquiao.

Facebook Comments