Pangulong Duterte, hindi makikipagkompromiso sa mga terorista at komunista

262

Walang kompromisong mangyayari sa pagitan ng mga terorista at rebeldeng komunista dahil patuloy silang nanggugulo at sinasamantala ang pandemya.

Sa kanyang talumpati sa Sulu, muling inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang galit sa local communist group.


Dagdag pa ng Pangulo, hindi na maaaring bumalik sa bansa si Communist Leader Jose Maria Sison.

Umaasa rin ang Pangulo na matatapos din ang problema sa terorismo.

Nanghihinayang ang Pangulo na nahahadlangan ang pag-unlad ng bansa dahil sa insurhensya at terorismo.

Ngayong colonel na sa military reserve force ang kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, inaasahang mas paiigtingin ng kanyang anak ang laban sa mga rebeldeng komunista.




Buo rin ang tiwala ng Pangulo sa mga sundalo na tinitiyak ang pambansang seguridad at mapigilan ang mga hakbang ng terror groups.

Facebook Comments