Pangulong Duterte, hindi naiwasang mag-joke sa kanyang huling SONA

87

Kasabay ng kanyang huling State of the Nation Address (SONA), hindi naiwasan ni Pangulong Rodrigo Duterte na magbiro.

Habang tinatalakay ang COVID-19 pandemic, hinala ni Pangulong Duterte na baka tinamaan na siya ng COVID-19.


Aniya, hindi na niya mabasa ng maayos ang kanyang talumpati.

Bigla ring hahawakan ni Pangulong Duterte ang kanyang leeg para alamin ang kanyang tempratura.

Umaasa ang pangulo na hindi siya symptomatic.

Bukod dito, nagbiro ang pangulo tungkol sa teleprompter operator na ‘inaantok’



Biglang umalis ang pangulo sa binabasa niyang talumpati dahil napansin niya na mabagal ang kanyang pagbabasa.

Gayumpaman, pinuri pa rin ni Pangulong Duterte ang teleprompter operators na sinamahan siya noong rehearsals.


Makalipas ang dalawang oras na pagtatalumpati, tinanong din ni Pangulong Duterte ang audience kung gusto na ba nilang tapusin ang kanyang speech.

Facebook Comments