Pangulong Duterte, hindi pa rin sang-ayon sa pagbabalik ng face-to-face classes

177

Tutol pa rin si Pangulong Rodrigo Duterte sa ideyang ibalik ang face-to-face classes.

Matatandaang inihayag ni Education Secretary Leonor Briones na marami na silang natatanggap na sentimiyento sa mga estudyanteng gustong bumalik sa face-to-face classes.


Paliwanag ng Pangulo, ayaw lamang niyang malagay sa alanganin ang buhay ng mga kabataan.

Hindi pa aniya tamang panahon para bumalik sa mga classroom ang mga estudyante.

Paulit-ulit nang tinanggihan ng Pangulo ang mga panawagang ipagpatuloy ang in-person classes dahil sa banta ng COVID-19.

Facebook Comments