Pangulong Duterte, hindi pababayaan ang mga biktima ng Bagyong Rolly – Palasyo

124

Tiniyak ni Malacañang na hindi pababayaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga nasalanta ng Bagyong Rolly sa pamamagitan ng mabilis na rehabilitasyon at paghahatid ng tulong.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, siniguro ng Pangulo na magiging mabilis ang pagbangon ng mga apektadong residente mula sa kalamidad.


Aniya, sinisikap ng pamahalaan na maihatid ang tulong sa pamamagitan ng lupa, himpapawid o sa dagat.

Iginiit ni Roque na nagsisilbi si Pangulong Duterte na walang halong pulitika.

Hindi rin hahayaan ng Pangulo na magtagal pa ang food at water shortage lalo na sa mga residente ng Catanduanes at iba pang lugar na tinamaan ng bagyo.

Facebook Comments