Pangulong Duterte, hinikayat ang mga Pilipino na magpabakuna na gamit ang Sinovac

Hinihikayat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang publiko na isantabi ang mga takot at magpabakuna gamit ang CoronaVac ng Sinovac Biotech.

Ayon kay Pangulong Duterte, ligtas at nabusisi ng mga local experts ang Chinese vaccines.

Importante aniyang magpabakuna ang lahat at maging katuwang ng pamahalaan na mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.


Pero muling iginiit ng Pangulo na kailangan pa ring sundin ang health at safety protocols kahit nabakunahan na.

Hiling ni Pangulong Duterte na magtulungan ang lahat para magtagumpay ang bansa sa laban nito sa pandemya.

Facebook Comments