Pangulong Duterte, hinimok ang mga alkalde at barangay captain na tukuyin ang mga indibidwal na hindi pa nababakunahan kontra COVID-19

Hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga alkalde at barangay captain sa bansa na tukuyin ang mga indibidwal na hindi pa nababakunahan kontra COVID-19.

Sa Talk to the Nation nito kagabi, sinabi ng pangulo na kailangang mahimok na ang lahat ng magpabakuna bilang proteksiyon sa COVID-19.

Sa pamamagitan ito ng mas sistematiko at episyenteng paghahanap ng mga naturang indibidwal.


Pinayunan naman ng pangulo ang mga alkalde at kapitan na gawin ang lahat at kung maaari ay gumamit ng otoridad upang mahimok ang publiko na magpabakuna.

Facebook Comments