Pangulong Duterte, humingi ng dagdag panahon para pag-aralan ang nationwide smoking ban

59

Humingi ng dagdag panahon si Pangulong Rodrigo Duterte para mabusising mabuti ang Executive Order ng nationwide smoking ban.

 

Ayon kay Duterte, tinatantsa pa niya ang magiging pag-kontra sa kautusan at pinag-aaralan rin niya kung pwedeng magkaroon ng compromise sa isyu ng pagtatalaga ng smoking area sa loob ng gusali.

 

Aminado rin ang Pangulo na iba ang sitwasyon ng bansa kaysa sa Davao City na may mahigpit na smoking ban.

 

Paliwanag pa ng Pangulo, kailangan niyang marinig ang opinyon ng medical sector sa isyu.

 

Gayunman, tiniyak ni Duterte na lalagdaan niya ang naturang EO ngayong Linggo.

Facebook Comments