Pangulong Duterte, humingi ng paumanhin sa mga pagmumura niya sa kanyang public address

678

Humingi ng patawad si Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko dahil sa mga pagmumura niya sa kanyang public address noong Lunes ng gabi.

Ayon sa Pangulo, ‘napipika’ na siya dahil sa kabila ng pagtatrabaho ng pamahalaan ay marami pa rin ang hindi nakukumbinsi.


Ipinapalabas aniya ng mga kritiko na hindi sumusunod ang gobyerno sa due process.

Iginiit ng Pangulo na nananatiling problema sa bansa ang mahabang proseso ng documentation at red tape dahil naaantala nito ang pagpasa ng mga mahahalagang polisiya at batas.

Paalala ng Pangulo na sisikapin niyang linisin ang pamahalaan mula sa korapsyon.

Facebook Comments