Pangulong Duterte, iginiit na maaaring gamitin ang gasolina bilang alternatibong disinfectant sa alcohol

Nanindigan si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi siya nagbibiro nang payuhan niya ang publiko na gamitin ang gasolina bilang alternatibong disinfectant.

Sa kanyang televised public address, sinabi ng Pangulo na kapag walang alcohol ay maaaring gamitin ang gasoline.

Aniya, pwedeng magtungo sa mga gasolinahan para humingi nito.


Una nang sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na biro lamang ang suhestyon ng Pangulo.

Matatandaang ipinayo ng Department of Health (DOH) na isang beses lamang gagamitin ang surgical at N95 masks, habang dapat labhan ang reusable cloth mask.

Bahagi ng minimum health standards para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 ay ang pagsusuot ng face masks.

Facebook Comments