Pangulong Duterte, iginiit na walang masama sa kanyang “midnight hobbies”

27

Walang nakikitang mali si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang mga ginagawang libangan tuwing madaling araw.

Ito ang sagot ni Pangulong Rodrigo Duterte mula sa mga espekulasyong may sakit siya at hindi niya kayang gampanan ang kanyang trabaho bilang lider ng bansa.


Sa kanyang Talk to the People Address, iginiit ni Pangulong Duterte na ang kanyang mga kinagigiliwang libangan ay hindi naman inaagaw ang oras ng mga tao.

Aminado si Pangulong Duterte na gusto niyang mag-motorsiklo at maglaro ng golf, patunay na malakas ang kanyang pangangatawan para magsilbi para sa bansa.

Plano rin ng Pangulo na magmaneho ng motorsiklo at puntahan ang mga bagong road infrastructure at may kasamang dalawang police escorts bilang security detail.

Bago ito, naglabas si Senator Christopher ‘Bong’ Go ng mga litrato kung saan makikitang nagja-jogging, naglalaro ng golf, at nagmo-motor si Pangulong Duterte.



Facebook Comments