Pangulong Duterte, inaasahang iaanunsyo mamayang gabi ang quarantine classification ng Metro Manila at iba pang lugar sa bansa

372

Kasunod ng talk to the nation ni Pangulong Rodrigo Duterte mamayang gabi, inaasahan ding iaaanunsyo nito ang panibagong quarantine classifications ng iba’t ibang lugar sa bansa.

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, mula sa kaniyang hometown sa Davao City magsasalita ang Pangulo mamayang gabi ngunit ito ay recorded na.


Matatandaang nasa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) ang Metro Manila, Batangas, Tacloban, Iligan at Iloilo City hanggang October 31, 2020.

Ang nalalabing bahagi naman ng bansa ay nasa Modified General Community Quarantine maliban na lamang sa Lanao Del Sur at Marawi City na nasa ilalim ng modified lockdown.

Una nang napagkasunduan ng Metro Manila Mayors na isailalim ito sa GCQ hanggang sa pagtatapos ng 2020 upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.

Facebook Comments