Pangulong Duterte, inaming ipinag-utos ang pagpatay kay dating Daanbantayan, Cebu Mayor Vicente Loot

Inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipinag-utos niyang ipapatay si Dating Daanbantayan, Cebu Mayor Vicente Loot noong May 2018.

Ang bagong pahayag ng pangulo ay taliwas sa nauna niyang pahayag sa Davao City noong December 18 na wala siyang kinalaman sa insidente.

Sa kanyang talumpati sa panunumpa ng mga bagong talagang opisyal sa MalacaƱan, binanggit ng pangulo na ipina-ambush niya ang dating alkalde.


Muling inakusahan si Loot na sangkot sa ilegal na droga.

Galit na nagbanta ang mga pangulo na papatayin ang lahat ng nadadawit sa illegal drug trade.

Matandaang nakaligtas sa ambush si Loot habang sugatan naman ang driver-body guard nito.

Una nang itinanggi ni Loot ang mga alegasyon ni Pangulong Duterte na nagkakanlong ng mga durugista.

Facebook Comments