Pangulong Duterte, inaprubahan ang draft ng water concession agreement

70

Inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bagong water concession deals sa Maynilad at Manila Water.

Ito ang kinumpirma ng Department of Justice (DOJ) matapos iprisenta ang water concession agreements sa Malacañang nitong Martes ng gabi.


Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, makikipagpulong na sila sa dalawang water concessionaires para talakayin ang ‘terms and conditions’ ng bagong water concession agreement.

Sa bagong kasunduan, inalis na ang mga kwestyunableng probisyon.

Aminado si Guevarra na inabot ng ilang buwan bago mabuo ang proposed agreements.

Matatandaang ipinag-utos ni Pangulong Duterte ang pagbuo ng bagong water concession agreements, kung saan isang team ang binuo para sa pagbalangkas ng bagong kasunduan na kinabibilangan ng mga abogado mula sa DOJ, Department of Finance (DOF), Office of the Solicitor General (OSG) at Office of the Government Corporate Counsel (OGCC).




Facebook Comments