Pangulong Duterte, inaprubahan ang expansion ng A4 priority list na mababakunahan

67

Inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte na maisama na rin ang economic at government frontliners sa A4 priority list na mababakunahan kontra COVID-19.

Ayon kay National Task Force Against COVID-19 Deputy Chief Implementer Vince Dizon, kabilang sa A4 ang mga essential workers, frontliners sa mga opisina ng pamahalaan at mga uniformed personnel.


Tinatayang nasa 12 milyon indibidwal ang bumubuo sa A4 group.

Sinabi naman ni Vaccine Czar Sec. Carlito Galvez Jr., na kailangang palakihin ang mga grupong prayoridad sa bakuna para mapabilis ang rollout sa buong bansa.

Facebook Comments