Pangulong Duterte, inatasan si Galvez na dinggin ang panawagan ng mga LGU na dagdagan ang kanilang vaccine supply

112

Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. na tugunan ang panawagan ng ilang local government units (LGUs) na nangangailangan ng karagdagang supply ng COVID-19 vaccines sa harap ng nararanasang surge sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Sa pulong ng Inter-Agency Task Force (IATF), sinabi ni Pangulong Duterte na maraming LGUs ang humihiling ng dagdag na vaccine supply.


Ayon kay Galvez, kailangang itaas ang monthly delivery ng mga bakuna para mabigyan ang hiling ng mga LGU.

Ano pa man ang panahon, sinabi ni Galvez na tuluy-tuloy pa rin ang vaccination.

Iniulat din ni Galvez sa pangulo na may mga taong nakapila sa vaccination kahit bumabaha.

Pero hindi ito sinang-ayunan ni Pangulong Duterte at inatasan ang mga LGU na bumuo ng solusyon para rito.



Facebook Comments