Pangulong Duterte, ipinag-utos na NBI lang ang mag-i-imbestiga sa nangyaring ‘misencounter’ sa pagitan ng PNP at PDEA

43

Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na tanging ang National Bureau of Investigation (NBI) na lamang ang mag-i-imbestiga sa umano’y nangyaring “misencounter” sa pagitan ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Quezon City.

Ito ang inanunsyo ngayong hapon ni Presidential Spokesperson Harry Roque.


Dahil dito, hindi na ipagpapatuloy ng binuong Joint Board of Inquiries ng PNP at PDEA ang kanilang imbestigasyon.

Matatandaang sinimulan na ng NBI ang parallel investigation nito sa nangyaring “misencounter” na ikinasawi ng apat na katao.

Facebook Comments