Pangulong Duterte, ipinaliwanag kung bakit pinapayagan ang sigarilyo sa bansa

Ipinaliwanag ni Pangulong Rodrigo Duterte kung bakit pinapayagan ang paggamit ng Sigarilyo sa Pilipinas.

Ito’y kasabay ng pagbabawal naman niya sa paggamit at importasyon ng Vaping Devices sa bansa.

Sa kanyang talumpati sa Taguig Center for the Elderly kagabi, sinabi ng Pangulo na pinahihintulutan kasi ang manufacture at importation ng tobacco.


Dagdag pa niya pinapatawan din ng Buwis ang tobacco.

Matatadaang ipinagbabawal ng Pangulo ang paninigarilyo sa mga pampublikong lugar noong 2017 habang pinirmahan niya ngayong taon ang Batas na nagtataas sa Excise Tax sa tobacco products.

Facebook Comments